^

Police Metro

Anak ng negosyante, dinukot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang anak ng negosyanteng Filipino-Chinese ang  dinukot ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Siocon, Zamboanga del Norte.

Ang biktima ay kinilalang si Michael Co, 27-anyos, anak ng may-ari ng Petron Gasoline Station sa nasabing bayan.

Ayon kay Sr. Inspector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-6:35 ng gabi nang dukutin ang biktima sa bisinidad ng pag-aaring gasolinahan ng anim na armadong kalalakihan.

Walang nagawa ang biktima matapos tutukan ng baril saka kaladkarin at isinakay sa kulay maroon na KIA Sportage na walang plaka.

Sa isang follow-up operation ng mga otoridad ay narekober ang get-away vehicle na ginamit ng mga suspek sa Brgy. Latabon Siocon.

vuukle comment

AYON

BRGY

FILIPINO-CHINESE

ISANG

LATABON SIOCON

MICHAEL CO

NORTE

PETRON GASOLINE STATION

POLICE REGIONAL OFFICE

SR. INSPECTOR JOSEPH ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with