^

Police Metro

Sundalo utas sa hit and run

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binawian ng buhay makalipas ang isang oras ang isang sundalo matapos na ito ay ma-hit and run ng isang  sasakyan habang nagmomotorsiklo kamakailan sa kahabaan ng C5 Road, Taguig City.

Ang nasawi ay kinilalang si Staff Sergeant Jonathan Yoro, 37-an­yos, tubong Binirayan Hills, San Jose, Antique at nakatalaga sa Post Provost Marshall Headquarters and Headquarters Support Group, Philippine Army.

Naulila ng biktima ang misis nitong si Mary Grace at apat  na anak na ang pinakabunso ay 3 buwang sanggol.

Sinabi ni Philippine Army Spokesman Lt. Col. Noel Detoyato, naganap ang insidente kamakailan habang lulan ang biktima ng motorsiklo nitong Yamaha sa kahabaan ng C5 road na patungo sana sa Aranai, Brgy. Ususan, Taguig City nang ma-hit and run ng isang rumaragasang sasakyan na may plakang PHQ-104.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima sa kaniyang motorsiklo bunsod upang magtamo ito ng mga malalalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

vuukle comment

BINIRAYAN HILLS

MARY GRACE

NOEL DETOYATO

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE ARMY SPOKESMAN LT

POST PROVOST MARSHALL HEADQUARTERS AND HEADQUARTERS SUPPORT GROUP

SAN JOSE

STAFF SERGEANT JONATHAN YORO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with