^

Police Metro

7 Pulis Maynila inireklamo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng reklamo ang pitong miyembro ng Manila Police District-Station 5 dahil sa pag-aresto sa isang binata na inakusahang nagtutulak ng iligal na droga, sa San Andres, Maynila noong Pebrero 27.

Pormal na dumulog sa MPD-General Assignment Section ang ginang na si Virginia Cosca, 50, ina ng inarestong si Meise Megan Cosca alyas “Boy”; Moreen Cosca, 20 at Alaine Tumulva, 18, pawang residente ng  #1254 Gonzalo St. San Andres, Maynila, para ireklamo ang mga tauhan ng station anti-illegal drugs ng MPD-Station 5 ng violation of domicile, robbery, physical injury, unlawful arrest at grave threat ng magsagawa ng raid sa kanilang bahay.

Sinabi ng ginang, iligal at walang buy-bust operation na ginawa ang mga inirereklamong sina SPO1 Jeffrey delos Reyes,  PO3 Brian Bagaforo, PO3 Jackson Caballero at PO3  Melchor Aquino, PO2 Myric Velasquez, PO2 Joel Agbulos at PO1 William Cristobal.

Dakong alas-5:30 ng hapon noong Pebrero 27 nang puwersahang pumasok sa kanilang bahay ang mga pulis at hinanap ang kanyang anak na si  “Boy” at agad sinunggaban at tinangka umanong lagyan ng shabu sa bulsa, na  nang pumalag ay nabaril naman sa puwet.

 Una namang iniulat ng nasabing presinto na dinakip sa buy-bust operation si alyas Boy  dakong alas-5:30 ng hapon  sa loob ng bahay nito, na nakuhanan ng 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Bukod sa hinihinalang shabu, nakuha din sa pag-iingat ng suspek ang isang patalim na tinatayang 9 na pulgada ang  haba at P1,000 marked money.

Tumanggi umanong paaresto ang suspek  at nanlaban ito at sinaksak pa ang isa sa mga umaresto na si PO1 William Cristobal .

 

vuukle comment

ALAINE TUMULVA

BRIAN BAGAFORO

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

GONZALO ST. SAN ANDRES

JACKSON CABALLERO

JOEL AGBULOS

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

WILLIAM CRISTOBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with