^

Bansa

Ex-bodyguard ni Co may video ng maleta ng cash na dinala kay Romualdez

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng dating bodyguard ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na si George Villalon Jr. na nakunan niya ng video ang mga maletang umano’y puno ng pera na dinala sa tahanan ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sa unang araw ng pagdinig sa petisyon para sa piyansa ni Romualdez sa kasong plunder sa Sandiganbayan, ipinrisinta ng prosekusyon ang 13 segundong video na nagpapakita ng mga maleta sa sala ng isang bahay na ayon kay Villalon ay tirahan ni Romualdez sa Forbes Park, Makati.

Ayon kay Villalon, kuha ang video noong Nob­yembre 21, 2023 nang maghatid sila nang mahigit 20 maleta mula sa condominium umano ni Co sa Taguig. Ipinadala rin niya sa kanyang asawa ang video kalakip ang mensaheng, “Puro pera laman niyan, deliver kay Romualdez.”

Sinabi niyang alam niyang pera ang laman ng mga maleta dahil nakita niya umanong isinasaayos ang mga ito habang punung-puno ng cash.

Kinuwestiyon naman ng kampo ni Romualdez ang pagiging tunay ng mensahe at itinangging bahay ng dating Speaker ang pinaghatiran ng mga maleta.

Samantala, pinayagan ng Sandiganbayan na tanggapin ang mga karagdagang ebidensiya ng prosekusyon. Dumalo si Romualdez sa pagdinig sa pamamagitan ng videoconference.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with