^

Police Metro

Abogado, 2 bodyguard todas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang prominenteng abogado, dalawa nitong bodyguard ang nasawi habang isa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na pagbabarilin habang sakay ng kanilang sasakyan kahapon sa  highway  sa bayan ng Dalaguete, Cebu.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Atty. Noel Archival, dalawang bodyguard nito na sina Edwin Lanuza at Paulo Cortez habang nasa kritikal namang kondisyon sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City ang driver nitong si Alejandro Jaime dahil sa mga tama ng bala ng armalite sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng hapon ay kagagaling lamang ni Archival sa pagdalo sa pag­lilitis ng korte sa kasong droga sa Dumaguete City nang paulanan ng bala ang kulay itim na Ford Escape (YGE-240) sa hangganan ng Brgy. Coro at Dalahigan. 

Malaki ang paniwala ng pulisya na ang nasabing abogado ay target ng pag-atake at pabalik na sa Cebu City nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng dalawang behikulo.

Ang biktima ay kila­lang abogado sa Cebu na marami ng hinawakang kasong may kinalaman sa droga at nagtanggol sa ilang pulis na nahaharap sa kasong kriminal.

Iniimbestigahan ng mga otoridad ang mala­king posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang motibo ng pamamaslang sa abogado.

vuukle comment

ALEJANDRO JAIME

CEBU

CEBU CITY

DUMAGUETE CITY

EDWIN LANUZA

FORD ESCAPE

NOEL ARCHIVAL

PAULO CORTEZ

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with