^

Police Metro

Salpukang SUV at PUJ, 2 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang dalawa katao habang sugatan ang dalawa pa sa salpukan ng isang Sports Uti­lity Vehicle (SUV) sa isang Public Utility Jeep (PUJ) sa Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 3, nakilala ang mga nasawi na sina Jamel Pacasong Dilanga, nasa hustong gulang at Ren Joseph Garcia.  Habang ang mga sugatan ay sina Jonathan Reyes, driver ng SUV, at mga pasaherong sina Leonardo Miguel at Carlos Salazar.

Ang sangkot na sasakyan ay isang pampasaherong jeep (UWG-980) na minamaneho ni Wendel Mandalihan, at isang Ford Escape (XWI-898) na minamaneho ni Reyes.

Ayon kay PO3 Renato Sunga, imbestigador, nangyari ang insidente sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Avenue, harap ng Mini Stop malapit sa City Bank sa Eastwood, Brgy. Bagong Bayan, ganap na alas-3:50 ng mada­ling araw.

Sinasabing binabagtas ng PUJ ang Easwood road nang tumabi ito para magbaba ng pasahero ng  big­lang sumulpot ang SUV at direktang tinumbok ang hulihang bahagi ng PUJ dahilan para masapol si Dalanga at magtamo ng matinding injury sa katawan.

Sa lakas ng pagkakabangga nagkayupi-yupi ang unahang bahagi ng SUV sanhi para maipit ang isa sa mga pasaherong si Garcia at masawi, habang sugatan naman ang dalawang kasama nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

BAGONG BAYAN

CARLOS SALAZAR

CITY BANK

FORD ESCAPE

JAMEL PACASONG DILANGA

JONATHAN REYES

LEONARDO MIGUEL

MINI STOP

PUBLIC UTILITY JEEP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with