^

Police Metro

Pabrika ng lona at kapote nasunog

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pabrika na gawaan ng kapote at lona ang tinupok ng apoy kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Fire Department alas-5:18 ng madaling-araw nang mag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng Limkaco Industries, na pag aari ni Gary Lim na matatagpuan sa Igancio St., kanto ng  Park Avenue, Barangay 75 ng lungsod.

Isa umanong malakas na pagsabog ang narinig sa loob hanggang sa magsimula ang  pagkalat ng apoy.

Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula sa apoy dahil sa mga laman ng pabrika ay maraming mga kawad ng kuryente ang nakaharang hanggang sa umabot nga ito sa ikaapat na alarma.

Pitong oras bago naapula ang sunog at alas-12:26 ng tanghali nang  idineklarang fire-out ang sunog at wala naman iniulat na nasawi o nasugatan na ang danyos ay umabot sa P 5 milyon.

 

 

vuukle comment

GARY LIM

IGANCIO ST.

ISA

ISANG

LIMKACO INDUSTRIES

NAHIRAPAN

PARK AVENUE

PASAY CITY

PASAY CITY FIRE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with