^

Police Metro

Negosyo at yaman ni Cedric bubusisiin ng BIR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makikialam na rin ang Bureau of Internal Re-venue (BIR) pero hindi sa kaso nang pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee kay Vhong Navarro kundi ang pagbusisi sa yaman at negosyo ng una.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, gagawin nila ang pag-iimbestiga sa mga negosyo ni Lee dahil napag-alaman nilang isa sa business partners ni Lee ay si Tyrone Ong, na nakulong dahil sa mga kasong tax evasion, graft at malversation. 
Si Ong ang pribadong contractor ng Philippine National Police (PNP) sa umano’y maanomal-yang pagbili ng armored vehicle.

Subalit, binigyang diin ni Henares na kung nagbabayad naman ng tamang buwis si Lee mula sa mga kumpanyang pag-aari nito o walang maling deklarasyon sa kanyang kita o buwis ay wala namang magiging problema.

Nabatid na si Lee ay may hinahawakang halos limang kumpanya na siya ang presidente.

 

vuukle comment

AYON

BUREAU OF INTERNAL RE

CEDRIC LEE

COMMISSIONER KIM HENARES

HENARES

MAKIKIALAM

NABATID

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI ONG

TYRONE ONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with