^

Police Metro

Inmate nagbigti sa selda

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang labis na depresyon umano ang dahilan nang pagbibigti ng isang 61-anyos na si Pedro Uriarte preso sa loob ng selda nito sa Lanuza, Surigao del Sur kamakalawa.

Nadiskubre ang pagpapakamatay ni Uriarte bandang alas-2:30 ng madaling araw sa nasabing piitan na matatagpuan sa Poblacion ng nasabing bayan.

Huling nakitang buhay ang biktima na  kausap  ang duty jail guard na si PO1 Ronielo Ruina at PO2 Jiff Felix matapos na mapansin  ang sobrang kalungkutan nito.

Habang nagsasagawa nang pag-iinspeksyon sa selda si PO3 Ronald Cabis ay laking gulat nito nang makitang nakabigti na ang biktima gamit ang nylon na nakatali sa kulambo na kaniyang ginagamit sa selda.

 

vuukle comment

HABANG

HULING

JIFF FELIX

LANUZA

NADISKUBRE

PEDRO URIARTE

RONALD CABIS

RONIELO RUINA

SURIGAO

URIARTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with