^

Police Metro

GRO sinaksak ng manliligaw

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanganganib ngayon ang buhay ng isang magandang Guest Relation Officer (GRO) makaraang saksakin sa dibdib ng manliligaw na tricycle driver, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

 Ginagamot ngayon sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Lara Caballes, 28, dalaga, GRO sa John Martin Videoke Club sa Tramo Street, EDSA, ng naturang lungsod. 

Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspek na nakilala lamang sa alyas “Gigi”.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang dumating ang suspek sa tapat ng videoke club na galit at pilit na pinalalabas si Caballes.  Upang matigil ang pag-eeskandalo, napilitang lumabas ang babae upang kausapin ang suspek ngunit sinalubong agad ang babae ng saksak ng patalim sa kaliwang bahagi ng dibdib.

 Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pananaksak habang sinaklolohan ng mga kasamahan si Caballes at isinugod sa pagamutan.

 Sa imbestigasyon, sinasabing manliligaw ng GRO ang suspek na posible umanong napangakuan ng babae na sasagutin pero hindi tinupad kaya nagalit at sinaksak ang biktima.

 

vuukle comment

GIGI

GINAGAMOT

GUEST RELATION OFFICER

JOHN MARTIN VIDEOKE CLUB

LARA CABALLES

MABILIS

NANGANGANIB

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

TRAMO STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with