^

Police Metro

Ginulpi ng mga ka-eskuwela Apo ng tabloid reporter namatay na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay na ang batang lalaki na apo ng isang tabloid reporter makaraan ang tatlong linggong pagkakaratay sa pagamutan dahil sa tinamong panggugulpi ng dalawang ka-eskuwela sa Malabon City.

 Nasawi dakong alas-7:00 ng umaga ng Sabado sa Children’s Hospital ang 9-taong gulang na si Fred Aston Mendoza, dahil sa kumplikasyon sa atay at baga bunsod ng tinamong gulpi.

Matatandaan na noong Oktubre 18, 2013, pinagtulungang suntukin at sipain sa sikmura ang biktima ng dalawang ka-eskuwela na may edad 9 at 11 taong gulang habang recess sa kanilang pinapasukang Tañong Elementary School.

Hindi naman agad nagsumbong ang biktima sa mga magulang ngunit natuklasan ang naganap na panggugulpi dito nang magreklamo ang bata kinagabihan ng pana­nakit ng sikmura at hirap sa paghinga.  Dinala sa pagamutan ang biktima kung saan natuklasan na naapektuhan ng bugbog ang atay at baga nito.

Inireklamo na ng mga magulang ni Mendoza ang mga magulang ng mga batang may kagagawan ng pambubugbog sa biktima habang nakatakdang sampahan din ng kaso ang pamunuan ng paaralan dahil sa kapabayaan sa kanilang mga mag-aaral.

Sumisigaw naman ng katarungan ang lolo ng biktima na si Maeng Santos, reporter ng pahayagang Bulgar na naka-beat sa CAMANAVA.

 

vuukle comment

DINALA

ELEMENTARY SCHOOL

FRED ASTON MENDOZA

INIREKLAMO

MAENG SANTOS

MALABON CITY

MATATANDAAN

MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with