^

Police Metro

80 bahay nawasak sa buhawi

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Napinsala ang mahigit 80 kabahayan habang ilang katao naman ang nasugatan nang manalasa ang isang buhawi sa tatlong bayan ng Iloilo at dalawang lungsod ng Cebu kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region  VII, bandang alas-7:45 hanggang alas-8:00 ng gabi nang manalasa ang buhawi malapit sa Mactan Shrine sa Lapu-Lapu City at Mandaue City, Cebu na ikinasugat ng isang katao sa Sitio Superior at tatlo naman sa Brgy. Looc, Lapu-Lapu City.

Naitala na sampung kabahayan ang nawasak habang nasa  tatlo pa  ang nagtamo ng pinsala sa Lapu-Lapu City habang nasalanta rin ang isang lugar sa Mandaue City.

Sa ulat naman ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nasa siyam na kabahayan ang nawasak at 64 pa ang napinsala sa pananalasa ng ma­lakas na buhawi sa tatlong ba­yan ng Iloilo.

Sa ulat sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng gabi nang manalasa ang buhawi sa mga bayan ng Pavia, Oton at Barotac Nuevo.

vuukle comment

BAROTAC NUEVO

CEBU

ILOILO

ILOILO PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

LAPU-LAPU CITY

MACTAN SHRINE

MANDAUE CITY

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SITIO SUPERIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with