^

Police Metro

Sinisi sa pagkalugi ng negosyo... Misis inatado ni mister

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado ng isang mister ang kanyang 39-anyos na misis na isang negosyante matapos ang mainitang pagtatalo nang sisihin na siya ang dahilan nang pagkalugi ng negos­yong junkshop naganap kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ni­lalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Rosemarie Balila, ng Bldg. 27, Unit 207, Temporary Housing, Road 10, Tondo, Maynila dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga otoridad laban sa suspek na si Dante Balila,
na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-asawa ay nagkaroon muna ang mga ito nang mainitang pagtatalo.

Ang pagtatalo ng mag-asawa ay nang sisihin ng biktima ang mister na kaya sila nalugi sa kanilang junkshop ay dahil sa walang patumanggang paggasta nito.

Ikinairita ito ng suspek at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa umano’y magdilim ang paningin at kumuha ng patalim saka sinaksak ang misis nang sunud-sunod na naging dahilan ng kamatayan nito.

vuukle comment

BATAY

DANTE BALILA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

IKINAIRITA

INATADO

MAYNILA

NAGSAGAWA

ROSEMARIE BALILA

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with