^

Police Metro

Lady chief ng LTO, todas sa ambush!

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Lady chief ng LTO, todas sa ambush!
Masusing sinisiyasat ng Scene of the Crime Operative (SOCO) ang sasakyan ng LTO official na si Mercedita Gutierrez matapos tambangan at pagbabarilin sa may K-H street sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.
Contributed Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) matapos na barilin nang malapitan ng hindi pa hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dalawang tama ng bala ng caliber .45 ang tumapos sa buhay ng biktimang si Mercedita Eusebio Gu­tierrez, 64, hepe ng Regis­tration Division ng LTO Central Office at residente ng No. 60-A New York St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Sa ulat nina PMSg Alvin Quisumbing at PCpl Jojo Antonio kina PCpt. Reynandy Tagle, hepe ng Homicide Section at Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) chief  PMajor Dondon Llapitan, dakong alas-6:20 ng gabi nang tambangan si Gutierrez sa panulukan ng  K-H St. at Kamias Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Biglang sumulpot ang nag-iisang gunman at binaril ng dalawang beses ang sasakyan ng biktima na isang Hyundai Starex van na may plakang NBO 303. Lumusot ang bala sa sasakyan at tinamaan si Gutierrez.

Tama sa ilong na lumusot sa batok at kanang braso ang tinamo ni Gu­tierrez. Idineklara siyang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Ayon sa testimonya ng saksi, binangga pa ng armadong suspek na nakasuot ng gray long sleeve at scarf ang sasakyan ni Gutierrez tsaka mabilis na tumakas patungong V. Luna Road lulan ng kulay asul na Honda Click motorcycle na walang plaka.

Sa pagtakas ng suspek, nahulog nito ang isang bag na naglalaman ng photocopy ng OR/CR ng motorsiklo na nakapangalan sa isang Daniel Oloroso.

Agad inutos ni QCPD director, PBrig. Gen. Redrico Maranan ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) na pamumunuan ni PCol. Amante Daro, Acting Deputy District Director for Operations (ADDO), na tututok sa imbestigasyon sa pamamaslang kay Gutierrez.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with