Maraming lugar, nasa ilalim ng signal No. 1 ng bagyong Aghon
MANILA, Philippines — Maraming lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Signal No. 1 habang papalapit ang bagyong ‘Aghon’ sa Eastern Visayas.
Sa pinakahuling bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng signal No. 1: Sorsogon, Albay (Manito, Legazpi City, City of Tabaco, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Malilipot, Bacacay, Malinao, Tiwi), Catanduanes at Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Sagñay, San Jose, Lagonoy, Tigaon).
Gayundin sa Visayas sa Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa, Dulag, Mayorga, MacArthur, Abuyog, Javier) at Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan, San Juan, Liloan, Saint Bernard, San Ricardo, Pintuyan, San Francisco) at sa Mindanao sa Dinagat Islands, Surigao del Norte including Siargao-Bucas Grande Group at Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag).
Si Aghon ay inaasahang kikilos sa pangkalahatang direksyon ng kanluran hilagang kanluran mula Biyernes hanggang Sabado ng umaga habang mabagal ang paglakas.
Linggo ay inaasahang si Aghon ay magsisimulang mag- recurve sa pangkalahatang direksyon ng hilagang silangan sa may karagatan ng silangan ng Luzon habang patuloy ang paglakas. Mananatili sa bansa si Aghon at patuloy na lalakas sa Martes.
- Latest