^

Police Metro

Parak, 1 pa dedbol sa rambol

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nasawi ang isang pulis at isang lalaki matapos na mabaril ang mga ito sa rambol ng magkalabang grupo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si PO3 William Lopez, 38, ng Grace Park na nakatalaga sa Caloocan City Police at isang Raymond Fernandez, nasa hustong gulang, ng L. Lupa St., na tinamaan ng bala sa ka­tawan.

Ang mga suspek na tumakas ay nakilalang sina Laurito Reyes, 32, ng Santos Teodoro St. at isang “alyas JP Laurel”, ng Matang Tubig, kapwa taga-Tondo, Manila.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi sa kaha­baan ng R. Papa St., boundary ng Maynila at Caloocan City ay naglala­kad si PO3 Lopez nang magrambulan ang grupo ni Fernandez at grupo ng mga suspek.

Naipit si PO3 Lopez sa gitna kung kaya’t nag­pakilala itong pulis at ti­nangkang awatin ang mga nagrarambulan.

Hindi nagpapigil ang  grupo ng mga suspek at ilang magkakasunod na putok ng baril ang umali­ngawngaw hanggang sa nakitang duguang naka­handusay ang mga biktima.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHINESE GENERAL HOSPITAL

GRACE PARK

LAURITO REYES

LOPEZ

LUPA ST.

MATANG TUBIG

PAPA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with