^

Police Metro

Mag-ina na utak sa ‘gift bomb’ sa Taguig kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nagsampa ng kasong murder at frustrated murder sa Department of Justice ang isang negosyante laban sa isang mag-ina na kanyang tiyahin at pinsan na umano ay mga utak sa pamamaslang sa pinsan niyang si Yvonne Chua ng  Taguig City na nasabugan ng bomba mula sa natanggap nitong regalo noong Disyembre 2010.

Ayon kay Manuel Padilla, ng Brgy. Urdaneta sa Makati City na nais niyang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng pinsang si Yvonne kayat nagsampa siya ng kaso laban sa tiyahin na si Arlene Padilla ng South Forbes at anak nitong si Arnold, ng Magallanes Village, kapwa sa Makati City.

Nabatid kay Padilla na marami na siyang natanggap na death threat mula nang magpasya siyang ipagpatuloy ang pagkuha ng hustisya para sa kanyang pinsan na ang asawang si Vinzon Chua ay lumipad na patungong America kasama ang kanilang anak na si Chloe, na nasugatan din sa pagsabog, dahil sa natatanggap ding pagbabanta sa kanilang buhay.

Matatandaang sinampahan ng kasong murder at frustrated murder ang kasambahay ni Arnold na si Rhea Dalde-Obra kaugnay sa pagkamatay ni Yvonne noong Disyembre 29, 2010 matapos sumabog ang bomba sa loob ng kahon ng regalong dinala ng mga akusado sa bahay ng biktima.

Sinabi ng saksing guwardiya na sinabi ni Dalde-Obra na ang regalo ay para kay Yvonne na ipinadala ng kanyang ina.

vuukle comment

ARLENE PADILLA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

MANUEL PADILLA

RHEA DALDE-OBRA

SOUTH FORBES

TAGUIG CITY

YVONNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with