^

Police Metro

Barilan: parak, karnaper napatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Napatay sa isang anti-car­napping operation ang isang pulis na miyembro ng Highway Patrol Group at isang hinihinalang karnaper habang lima pa ang sugatan sa naganap na barilan kamakalawa ng gabi sa isang compound sa Muntinlupa City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Mun­tinlupa ang biktimang si SPO1 Macario Romano, dahil sa mga tama ng bala sa katawan at nasawi habang ginagamot sa Alabang Medical Clinic ang pinaghihinalaang karnaper na si Michael Maranan, alyas Jordan, 33-anyos, ng  Fabian Compound, Alabang ng naturang lungsod.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina SPO1 Aniceto Santiago ng HPG, PO3 Mersan Rapirap ng Muntinlupa police station at tatlong sibilyan na sina Aileen Duran, 30; Anna Loraine Maranan, 28; at ang 10-anyos na si Heart Macapagal, pawang mga nakatira sa Fabian Compound.

Batay sa ulat ng Muntinlupa Police, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang barilan matapos magsagawa ng anti-carnapping operation ang HPG laban kay Maranan sa naturang compound. 

Nabatid na nakatakdang arestuhin si Maranan ng mga tauhan ng HPG nang puma­lag umano ito at makipagbarilan sa mga pulis.

Dito ay dumating ang pulis na si PO3 Rapirap na nakatira rin sa naturang com­pound at pinagbabaril ang mga tauhan ng HPG.  

Gumanti naman ang mga tauhan ng HPG at tinamaan si PO3 Rapirap habang tina­ma­an ng ligaw na bala ang mga sibil­yan na nakatira sa compound. 

Ikinatwiran ni PO3 Rapirap na inakala niyang mga kriminal ang mga tauhan ng HPG na namamaril sa tinitirhang compound kaya niya pinagbabaril ang mga ito kaya’t isasailalim ito sa masusing imbestigasyon sa posibleng may kaugnayan ito sa operasyon ni Maranan na kasama niya sa nasabing compound.

 

vuukle comment

AILEEN DURAN

ALABANG MEDICAL CLINIC

ANICETO SANTIAGO

ANNA LORAINE MARANAN

COMPOUND

FABIAN COMPOUND

MARANAN

RAPIRAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with