^

Police Metro

Driver inutas habang namamasada

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin habang namamasada sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Nasawi habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Mark Anthony Villena, 28-anyos, naninirahan sa Brgy. Napindan, ng naturang lungsod.

Sa ulat, namamasada ng tricyle ang biktima dakong alas-3:15 ng mada­ling-araw sa kahabaan ng C-6 Road sa may Purok 6 Brgy. Napindan nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon sa vendor na si Marcelo Paningbatan, nag-aayos siya ng kanyang paninda sa Talipapa sa lugar nang dumaan sa harapan niya ang biktima na duguan at sakay pa ng kanyang tricycle habang humihingi ng saklolo.

Nagmagandang-loob naman si Paningbatan at isinugod ang biktima sa pagamutan kung saan nasawi ito dakong alas-4:00 ng umaga dahil sa tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.

vuukle comment

AYON

BRGY

MARCELO PANINGBATAN

MARK ANTHONY VILLENA

NAGMAGANDANG

NAPINDAN

NASAWI

PANINGBATAN

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with