^

Police Metro

2 kelot itinumba sa Taguig

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng hapon.

Inilarawan ng pulis­ya ang dalawang biktima na kapwa may taas mula 5’2”-5’3”, parehong naka­suot ng maong na short pants, isa ang nakasuot ng berdent, t-shirt habang ang isa pa ay puting sando ang suot.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong alas-2:45 ng hapon nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril sa kanto ng Gumamela at Pamela Sts. sa Brgy. Lower Bicutan. 

Nang respondehan ng mga otoridad ay tumambad ang mga bangkay ng mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Isang residente ang nakakita sa gunman na tuma­takas at dahil sa takot na balingan ay pumasok ito sa bahay kaya’t hindi niya umano namukhaan ang sus­pek.

 

vuukle comment

BRGY

DALAWANG

GUMAMELA

INILARAWAN

ISANG

LOWER BICUTAN

NANG

PAMELA STS

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with