^

Police Metro

Karnaper ang tatay, karnaper ang anak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tunay ang kasabihan na kung ano ang puno ay siya ang bunga.

Ganito ang isinalarawan ng pulisya sa naares­tong suspek na si Mark Joseph Reyes Jr., na naispatang minamaneho ang isang carnap na Honda Civic (WCG-898) na pag-aari ng isang Gatsby Fay Balanay, 27, ng Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila, ganap na alas-7:45 ng gabi sa kanto ng Cuenco at Banawe St., Quezon City.

Si Mark Joseph Jr., ay 16-anyos nang unang madakip ng mga otoridad matapos na siya at ang kanyang tatay na lider na  notorious na carnap group na si Mark Joseph Reyes Sr., ay tumangay ng isang kulay itim na Toyota Fortuner ng vice president ng Social Security System (SSS) na si Alfredo Villa­santa sa Quezon City, noong 2011.

Ngayong 19-anyos na si Mark Joseph, ay ipinagpatuloy nito ang kanilang tinatawag na “family business” kung saan siya nadakip kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Gayunman, pinalitan ng batang Reyes ang plaka ng numerong WRK-718 nang kanya itong paandarin patungo sa isang auto shop para ipakumpuni.

Subalit, nang mapadaan ang tiyuhin ni Balanay sa lugar ay nakilala nito ang sasakyan na siyang ninakaw sa kanyang pamangkin, kung kaya agad na ipinabatid kay Gatsby Fay at humingi ng tulong sa PS1 at naaresto ang batang Reyes.

Ilan sa kasamahan ni Reyes Jr., na pinaghahanap ng pulisya matapos matukoy sa rogue gallery ng pulisya ay isang Christopher Ducot na nagkunwa­ring ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at puwersahang tumangay sa isang puting Ford Escape ng Roey Frilles sa Cubao, Quezon City noong Mayo.

vuukle comment

ALFREDO VILLA

BANAWE ST.

CHRISTOPHER DUCOT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FORD ESCAPE

GATSBY FAY

GATSBY FAY BALANAY

HONDA CIVIC

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with