^

Police Metro

Tsinoy pinatay sa harap ng misis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdadalamhati ngayon ng isang misis makaraang pagbabarilin at mapatay ang kanyang mister sa kanyang harapan ng isang hindi pa nakikilalang salarin lulan ng isang motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Isinugod pa ngunit hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Anthony Dy, 39-anyos, ng  #53 Bernardo Street, Brgy. San Rafael ng naturang lungsod.  Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang nakatakas ang salarin lulan ng itim na motorsiklo na hinihinalang bayarang “hitman”.

Sa ulat ng Navotas City Police, naglalakad ang biktima kasama ng misis na si Tuesday Dy, 38, sa Gene­ral Lim Street, sa natu­rang barangay nang biglang lapitan ng salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril ito dakong alas-2:45 ng hapon.

Tiniyak muna ng salarin na wala nang buhay ng biktima nang tigilan nito ang pamamaril habang hindi naman sinaktan ang ginang.

Narekober ng mga ta­uhan ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa pi­nang­yarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng ka­libre .45 baril.

vuukle comment

ANTHONY DY

BERNARDO STREET

LIM STREET

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

SAN RAFAEL

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with