^

Police Metro

Mga bangkay sinunog… 3 magsasaka minasaker

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Minasaker ng wa­long salarin ang tatlong magsasa­ka at sinunog ang kanilang mga bangkay sa isang lib­lib na lugar sa Sitio Magabobong, Upper Maton, Pudtol, Apayao, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Sr. Supt. Albertlito Garcia, Provincial Director ng Apayao Police, kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng mga biktimang sina Felix Matulot, 75-anyos; Jayson Acob, 29 at Rogelio Rupad, 39-anyos.

Nakaligtas naman sa krimen si Elevencio Matulot, 44 anyos, na siyang nagsilbing susi upang maituro ang isa sa walong suspek na si Dionisio Bernal at mga kasamahan nito na pawang taga Kabugao, Apayao.

Sinabi ni Garcia na ang insidente ay kamakalawa lamang nai-report sa pulisya dahil may kalayuan ang lugar na pinangyarihan ng krimen na naganap may dalawang araw na ang nakalilipas.

Dakong alas-2:00 ng hapon kamakalawa ng puntahan ng mga awtoridad ang pinangyarihan ng masaker kung saan natagpuan ang halos hindi na makilalang bangkay ng mga biktima na magkakasamang sinunog sa isang kubo.

Ang bangkay ng mga nasawi ay positibo namang kinilala ng kanilang mga pamilya at ng survivor na si Matulot na nagawang makaligtas dahil may ilang metro ang layo nito mula sa kinaroroonang ilog sa mga umatakeng suspek at mga kasamahang biktima.

Sa salaysay ni Matulot sa pulisya, nagtatakbo siya para sa kaniyang kaligtasan habang niraratrat ang kaniyang mga kasamahan at nagtago sa bahay ng kaniyang ina sa Brgy. Waga, Kabugao, Apayao .

Lumilitaw sa imbesti­gasyon, na bago ang pa­mamaslang ay nagkabanggaan ang mga biktima at ang grupo ng mga suspek matapos na sitahin ng mga nasawi ang mga salarin sa pagpasok sa kanilang ‘fishing area’ na siyang sinisilip na motibo ng krimen.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng sari-saring uri ng baril ka­bilang na ang para sa shotgun, kalibre 45 at ar­malite habang patuloy pang tinutugis ang mga salarin.

vuukle comment

ALBERTLITO GARCIA

APAYAO

APAYAO POLICE

DIONISIO BERNAL

ELEVENCIO MATULOT

FELIX MATULOT

JAYSON ACOB

KABUGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with