^

Police Metro

Brgy. kagawad, itinumba

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang binaril at napatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa Purok 4, Barangay Cagbaoto, bayan ng Bayabas, Surigao Del Sur, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. Martin Gamba, tagapagsalita ng CARAGA police ang biktima na si Ronaldo G. Lozada, 40, may-asawa ng naturang lugar.

Nangyari ang pamamaril kay Lozada ganap na alas-2:30 ng madaling araw.

Ipaparada sana ng biktima ang kanyang motorsiklo sa gawing likuran ng kanilang bahay nang sumulpot ang suspek at agad na pinagbabaril.

Nang makitang tumumba ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek na dumaan sa likurang bahagi ng bahay ng kagawad.

Dead-on-the-spot si Lozada, habang patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad para mabatid ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng salarin.

vuukle comment

BARANGAY CAGBAOTO

BAYABAS

IPAPARADA

ISANG

KINILALA

LOZADA

MARTIN GAMBA

NANG

RONALDO G

SURIGAO DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with