^

Police Metro

Misis pinagbintangan ang mister na baliw pinatay sa sakal

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng banyo ng isang gasolinahan pinatay sa sakal ng isang mister ang sariling misis dahil sa balak umano siya nitong dalhin sa mental hospital makaraan umanong pagbinta­ngan siya na nasisiraan ng ulo naganap kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Amy Montero, nasa hustong gulang, residente sa No. 51 Kasiyahan St., Brgy. Holy Spirit.

Ang mister nito na agad din naaresto ng pulisya ay kinilalang si Ronnie Montero, alyas Manny, 40.

Lumalabas sa im­bestigasyon na bago naganap ang pagpatay ng mister sa kanyang misis dakong alas-12:35 ng madaling-araw  sa banyo ng PTT gasoline station sa may Regalado Avenue ay magkasama ito sa isang sasakyan buhat sa Dagupan, Pangasinan nang huminto ito sa nasabing gasolinahan.

Niyaya ng mister ang misis na magpunta sila sa  banyo at ilang minuto ang nakakalipas ay narinig ng isang Cesar Lopez, pinsan ng suspek ang malakas na pagsigaw at pag-iyak ng biktima na tila humihingi ng tulong.

Tiyempo namang napadaan ang isang taxi na minamaneho ni Joel Briones at hiningan ng tulong ni Lopez na buksan ang pinto ng banyo.

Nang kukunin na nila ang susi sa cashier’s booth ay napansin nila na nagmamadaling lumabas ang suspek sa banyo kaya’t agad na pinunta­han ang banyo at tumambad ang walang buhay na biktima na nakasalampak sa sahig.

Hinabol nila ang suspek at sumigaw ng ‘Hol­daper yan” na nagbigay atensyon sa mga istambay para tumulong na mahuli ang suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon, madalas umanong pagbintangan ng ginang ang mister na nasisiraan ng ulo at may planong dalhin sa isang mental hospital na ikinagalit ng suspek kung kaya’t sa galit nito ay pinatay ang misis.

Inakala umano ng ginang na ang madalas na pag-inom ng alak ay sanhi ng kanyang pagkabaliw ng mister dahil sa kaiisip sa amang namayapa na. - Ricky Tulipat/Jam Krisette Nuñez (trainee)

 

vuukle comment

AMY MONTERO

CESAR LOPEZ

HOLY SPIRIT

JAM KRISETTE NU

JOEL BRIONES

KASIYAHAN ST.

LUMALABAS

QUEZON CITY

REGALADO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with