^

Police Metro

Police asset tinodas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Namatay sa tabi ng kanyang motorsiklo ang isang police asset nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na nakamotorsiklo naganap kamakalawa ng gabi sa Payatas, Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Roel Toraba, na na­­ka­handusay sa Payatas Road kasama ang kanyang motorsiklo.

Nasugatan naman ang isang Cherry Lantaca, 37, na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang balakang, at naka-confine ngayon sa East Avenue Medical Center.

Batay sa ulat, dakong alas-10:25 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima  sa Payatas Road kanto ng Maginoo St., malapit sa Payatas Elementary School.

Lumalabas sa imbesti­gasyon na ang biktima umano ay dating nagbi­bigay impormasyon sa pu­lisya hingil sa mga nagtutulak ng iligal na droga sa kanilang lugar kaya’t pinalalagay na ito ang dahilan para itumba ang biktima.

vuukle comment

BATAY

CHERRY LANTACA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MAGINOO ST.

PAYATAS ELEMENTARY SCHOOL

PAYATAS ROAD

QUEZON CITY

ROEL TORABA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with