^

Police Metro

Driver ng kandidato itinumba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 38-anyos na dri­ver ang nasawi matapos itong pagbabarilin habang hinihintay ang among kandidato na nangangam­panya kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-the spot dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na nakilalang si Wilfredo Panajon, 38-anyos, residente ng naturang lungsod.

Tumakas naman ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasuot ng helmet sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan patungong direksyon ng Libertad St. sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa harapan ng Blanco Arms sa no. 2424 Zamora St. kanto ng Primero De Marso St., sa lungsod.

Nabatid na naiwan sa sasakyan si Panajon habang nangangampanya ang among kandidato na si Alvin Cruzin at ibang tagasuporta sa isang eski­nita.

Paglabas nina Cruzin ay nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nadatnan ang biktima na duguan sa kotse.

vuukle comment

ALVIN CRUZIN

BATAY

BLANCO ARMS

CRUZIN

LIBERTAD ST.

PASAY CITY

PRIMERO DE MARSO ST.

WILFREDO PANAJON

ZAMORA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with