^

Police Metro

Pulis, CAFGU utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagbabaril ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang CAFGU at isang pulis sa naganap na ambush kama­kalawa ng gabi sa Escalante City, Negros Occidental.

Ang mg biktima na namatay noon din ay nakilalang sina CAFGU Active Auxiliary (CAA) Joseph Lutrago, 38, at ang pulis na tinukoy lamang sa apelyidong  PO1 Tanguan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi habang ang dalawang biktima ay magkaangkas sa XLR 200 na motorsiklo patungo sa Escalante City Public Market  nang tambangan ng may 8 rebelde  sa bisinidad ng Brgy. Libertad ng lungsod.

Nasapol ng bala sa ulo si Lutrago na nasawi noon din habang si Tanguan na bago bawian ng buhay ay nagawa pang makipagpalitan ng putok sa mga rebelde.

Nabatid na ang 8 rebelde na tumambang sa mga biktima ay pinamumunuan ng isang alyas Ka Dan na miyembro ng  NPA assassination unit.

Isang hot pursuit ope­ration ang inilunsad ng tropa ng militar at pulisya laban sa grupo ng mga rebelde na banta sa peace and order sa Western Visayas Region partikular na ngayong Mayo 2013 elections.

vuukle comment

ACTIVE AUXILIARY

ESCALANTE CITY

ESCALANTE CITY PUBLIC MARKET

JOSEPH LUTRAGO

KA DAN

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE

TANGUAN

WESTERN VISAYAS REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with