Tserman tiklo sa shabu
MANILA, Philippines - Isang barangay chairman ang naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bus operation sa lalawigan ng Cotabato.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Jimmy Onotan, 33, barangay chairman ng Barangay Kapinpilan, Midsayap, Cotabato at nasa number 8 target pusher ng pulisya sa lalawigan.
Ang suspek ay naaresto kaÂmakailan ng PDEA RegioÂnal Office 12 (PDEA RO12) North Cotabato Special Enforcement Group matapos na makipagkasundo sa isang transaksyon sa Purok 5, Barangay Poblacion 6 ng lugar.
Matapos iabot ang P500 peso marked bill na ginamit sa buy-bust money kapalit ng shabu ay agad na dinakip ng PDEA agents ang suspek na kinasuhan ng paglabas sa Section 5 (Sale of DangeÂrous Drugs), Article II of Republic Act 9165, na mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest