^

Police Metro

PUVs na may election ads kakanselahin ang prangkisa

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang kanselahin ang prangkisa ng mga pampasaherong sasak­yan tulad ng bus, jeep at AUVs  sa mga lalawigan at sa Metro Manila kapag nakitaan na mga election ads ng mga kandidatong lalahok sa nalalapit na May 2013 elections.

Ito ang banta ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  Chairman Jaime Jacob sa mga bus owners dahil umiiral na sa bansa ang Comelec ban hinggil sa paglalagay ng campaign ads sa mga pampasaherong sasakyan  gayundin sa mga  terminals.

Bagamat nabigyan na ng tangggapan ng abiso ang mga public utility vehicle owners tungkol sa Comelec ban na ito, dapat pa ring matiyak na sinusunod ito ng kanilang mga driver.

Gayunman, niliwanag ni Jacob na hindi pa nila alam kung anong campaign ads ang  bawal mailagay sa mga pampasaherong sasakyan dahil hanggang ngayon ay malabo pa sa kanila ang batas na ito.

 

vuukle comment

BAGAMAT

CHAIRMAN JAIME JACOB

COMELEC

GAYUNMAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

NAKATAKDANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with