^

Police Metro

Pulis, 1 pa dedbol sa bundol

Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dalawang katao ang nasawi na kinabibilangan ng isang pulis sa magkakahiwalay na aksidente nang pagkabangga ng sasakyan ayon sa ulat ng pulisya.

Sa Navotas City, hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center  dahil sa pinsala sa katawan at pagkabasag ng bungo ang biktimang si PO3 Edgardo Fernandez, 48, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), residente ng Lot 37, Phase 2, Area 2, Barangay NBBS ng natu­rang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay minamaneho ni PO3 Fernandez ang kanyang motorsiklo (1473-N) at binabaybay ang kaha­baan ng Road 10, Barangay Northbay Boulevard South ng naturang siyudad nang bigla na lamang itong salpukin sa likuran ng hindi pa mabatid na sasakyan.

Sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon ang biktima na una ang ulo na bumagsak sa kalsada habang ang bumanggang sasakyan ay hindi huminto.

Ganito rin ang nangyari sa biktimang si Bernardo Fernandez, 50-anyos, residente ng #164 Congressional Avenue, Quezon City na namatay din habang dinadala sa Manila Central University matapos na mabundol ng isang sasakyan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng umaga ay tumatawid ang biktima sa kahabaan ng EDSA Ave­nue, Monumento at hindi nito namalayan ang mabilis na pagdating ng bus at nasalpok ito. Hindi na huminto ang nakasagasang bus.

vuukle comment

BARANGAY NORTHBAY BOULEVARD SOUTH

BERNARDO FERNANDEZ

CALOOCAN CITY

CONGRESSIONAL AVENUE

EDGARDO FERNANDEZ

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

NORTHERN POLICE DISTRICT

QUEZON CITY

SA NAVOTAS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with