^

Police Metro

Pagkakaisa nais ng pangulo

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasabay ng paggunita sa ika-116 na taong ani­bersaryo ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, kahapon ay ipinaalala naman ni Pangulong Benigno Aquino III ang kahalagahan ng pagkakaisa na kanyang nais.

Sentro ng talumpati ni Pangulong Aquino ang nais niyang pagkakaisa na siya ring nanguna sa isinagawang flag-raising ceremony sa monumento ni Rizal sa lungsod ng Maynila dakong alas-7:00 ng umaga.

Kasama ni P-Noy sa okasyon si Vice President Jejomar Binay ay iba pang mataas na opisyal ng pamahalaan.

“Paano hahabiin ang pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba? Paano pag-aalabin ang malasakit sa kapwa’t sa bandila? Nawa’y maging mas masigasig ang ating pa­­ki­­­ki­sagwan sa iisang direksyon upang maging ganap ang potensyal ng ating Wikang Pambansa,” ayon kay Pa­ngu­long Aquino.

Isang prusisyon ang isinagawa sa Binondo patungong Luneta na nilahukan ng mga miyembro ng Knights of Rizal at mga opisyal ng pamahalaan kung saan ay nagsagawa ng reenactment kaugnay sa paglilipat ng labi ni Gat Jose Rizal bilang bahagi ng paggunita sa Rizal Day.

Nabatid na ang reenactment ng paglilipat ng labi ng pambansang bayani ay nagsimula mismo sa bahay ng kanyang ina na si Teodora Alonzo patungo ng Luneta.

vuukle comment

DR. JOSE RIZAL

GAT JOSE RIZAL

KNIGHTS OF RIZAL

LUNETA

PAANO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RIZAL DAY

SHY

TEODORA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with