^

Police Metro

2 patay, 6 sugatan sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang katao na kinabibilangan ng isang batang babae habang 6 ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng highway sa Brgy. Rosary Heights IV, Cotabato City kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Sherasmine Salik Abdullah, 8, at Paik Sultan, 21, driver ng van.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Brgy. Captain Amin Sula; Muslim Salik; Baikan Salik Abdullah; Taya Makalnas; Jenna Sulat at isang 7-anyos na batang babae.

Sa ulat ni Supt. Marlo Martinez, spokesman ng Cotabato City Police, bandang alas-7:15 ng umaga ay kasalukuyang lulan ang mga biktima ng Toyota Hi Ace van (BEL-263) at binabaybay ang kahabaan ng Don Rabago St., Brgy. Rosary Heights IV ng lungsod nang paulanan ng bala ng mga suspek.

Matapos na paulanan ng bala ay agad nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Pulitika at personal na alitan ang dalawang anggulong sinisilip ng mga otoridad sa nasabing pananambang.

vuukle comment

BAIKAN SALIK ABDULLAH

BRGY

CAPTAIN AMIN SULA

COTABATO CITY

COTABATO CITY POLICE

DON RABAGO ST.

JENNA SULAT

MARLO MARTINEZ

ROSARY HEIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with