^

Police Metro

2 suspek sa gang rape, timbog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Timbog ang dalawa sa apat na suspek sa panggagahasa sa dalawang dalaga na kanilang nilasing muna bago hinalay sa loob ng isang boarding house sa Paranaque City kamakailan.

Ipinagharap na ng kasong rape ang mga suspek na naaresto na sina Norie Peruda, 30-anyos, obrero, at Marvine Mendiola, 20-obrero, kapwa nangungupahan sa boarding house sa  #276 Casoy Street, Sampaloc Site 2, BF Homes, sa naturang lungsod.

Isinama na rin sa kaso ang mga nakakalaya pang suspek na sina Ramil Pilula at kapatid nitong si Ryan, na pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na ang panggagahasa ay naganap dakong alas-7:00 ng umaga noong Nobyembre 30 sa loob ng boarding house ng mga suspek.

Inanyayahan ng suspek na si Ramil Pilula ang mga biktima na sina alyas Sheena, 20-anyos, college gra­duate, ng Bacoor, Cavite; at alyas Tintin, 17-anyos, ng Paco, Maynila.

Ayon sa mga biktima, inumpisahan silang paulit-ulit na gahasain ng apat na suspek noong Nobyembre 30 at nang makaraos ay hindi pa sila pinalaya at ikinulong sa loob ng boar­ding house. 

Ilang beses pa umanong naulit ang panggagahasa sa kanila hanggang sa magawang makalabas ng boar­ding house ng dalawang biktima kamakalawa ng tanghali at nagsumbong sa mga awtoridad.

 

vuukle comment

AYON

BACOOR

CASOY STREET

MARVINE MENDIOLA

NOBYEMBRE

NORIE PERUDA

PARANAQUE CITY

RAMIL PILULA

SAMPALOC SITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with