^

Police Metro

Lady trader ginahasa ng 2 kainuman

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilasing muna ng da­la­wang lalaki ang kai­numan nilang babaeng negosyante bago nila ito pinagtulungang gahasain kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Subalit, bago tulu­yang makatakas ang dalawang suspek ay agad itong naaresto ng mga otoridad na nakatanggap ng tawag mula sa Dial 117 ng Philippine National Police (PNP).

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jonathan Balmores at Jo­mar Magno, na inirek­la­mo ng panghaha­lay ng kanilang biktima na itinago sa alyas na “Fa­rah”, ng Parañaque City.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng ma­daling-araw nang halayin ang biktima sa bahay ng isa sa mga suspek sa Lot 6, Block 16 San Diego St., Metrocor Homes Talon 5, Las Piñas City.

Nakipag-inuman umano ang biktima kina Balmores at Magno at nang ganap na malasing ay halinhinang ginahasa ng dalawang suspek. 

Matapos na makaraos, nagawang makatawag ng biktima sa kanyang nobyo na siya namang agad na tumawag sa Emergency 117.

Mabilis na inalerto ng Emergency 117 ang Police Community Precinct- Talon 5 na rumesponde sa lugar ng krimen na naging dahilan sa pagkakadakip ng dalawang suspek at pagkakasagip sa biktima.

Nakatakdang sam­pa­han ng kasong pangga­­ga­hasa sa Las Piñas Pro­secutor’s Office ang mga suspek.

 

vuukle comment

BALMORES

JONATHAN BALMORES

LAS PI

MABILIS

MAGNO

METROCOR HOMES TALON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAN DIEGO ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with