^

Police Metro

Car sumalpok, 3 tigok

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang tatlo katao habang isa pa ang nasa kri­tikal na kondisyon matapos na sumalpok ang sinasak­yan nilang kotse sa isang poste sa Barangay Rawis, Legazpi City kamakalawa. Sa ulat ng National Di­saster Risk Reduction Management Council (ND­RRMC). Kinilala ang mga namatay na sina Valarie Salcedo, 30; Andrew Salcedo, 18; at Johnny Barromeo, 17. Samantala si Nico Paje 17, ay nanatiling nasa malubhang kalagayan sa Bicol Regional Hospital.

Nangyari ang insidente ganap na alas-11:00 ng gabi kung saan galing umano sa isang birthday party ang mga biktima at tinatahak ang lugar sakay ng Ford Lynxs Sedan nang biglang mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa poste.

Sa lakas ng salpok, nawasak ang kotse dahilan para maipit ang mga biktima. Tumagal ng halos dalawang oras bago tuluyang nai-alis ang mga biktima saka isinugod sa ospital kung saan idineklarang patay ang tatlo.

 

vuukle comment

ANDREW SALCEDO

BARANGAY RAWIS

BICOL REGIONAL HOSPITAL

FORD LYNXS SEDAN

JOHNNY BARROMEO

LEGAZPI CITY

NATIONAL DI

NICO PAJE

RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

VALARIE SALCEDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with