^

PM Sports

Tigers sumalo sa liderato

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinakmal ng University of Sto. Tomas ang pangalawang sunod na panalo matapos ratratin ang naghihingalong University of the East, 98-87 sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, kahapon.

Sinandalan ng UST sa opensa si Mark Llemit upang siguruhin ang panalo nila laban sa UE na nakitaan ng tikas sa fourth quarter.

Tumikada si Llemit ng 22 points para isalo ang Growling Tigres sa tuktok ng team standings tangan ang tig 2-1 karta at mapanatili ang tsansa nila sa asam na korona ngayong season.

Matapos hawakan ang limang puntos na kalamangan sa unang quarter, biglang humataw ang UST sa ikalawang bahagi ng laro kung saan tinambakan nila ang UE, 28-14, upang makuha ang isang dominanteng 52-33 sa halftime.

Naiwasan ng Growling Tigers na maupos ang kanilang 23-point lead matapos maibaba ng Red Warriors ang hinahabol sa anim na puntos, mabuti na lamang at hindi nasira ang diskarte ni Llemit na nirehistro rin ang pitong rebounds at tatlong assists.

 Wala pa rin panalo ang Red Warriors sa apat na laro, mas lalo pang nabaon matapos malasap ang kanilang ika-24 na sunod na pagkatalo na nagsimula pa noong UAAP Season 87.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with