^

PM Sports

Hello WC qualifiers

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Patuloy na yumabong ang laro ni Jack Animam at kasabay nito ang patuloy na pag-asenso ng status ng Gilas Pilipinas women’s team sa international play.

Habang naka-focus ang karamihan ng Filipino basketball fans sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals, tahimik na kumayod sina Animam at ang kanyang teammates sa kanilang huling laro sa group games ng FIBA Women’s Asia Cup sa Shenzhen, China.

Nilusutan nila ang Lebanon, 73-70, sa isang hell-for-leather duel at, dahil dito, itinaas ang antas ng bansa sa international women’s basketball.

Sa kauna-unahang pagkakataon, lalaro na ang Gilas women sa FIBA World Cup Qualifying Games.

Sa panalo kontra Lebanon, naisiguro rin ng Gilas belles ang pananatili sa FIBA Asia Cup Division A kasama ang powerhouse teams Australia, China, Korea, New Zealand at Japan.

At hindi doon nagtatapos ang kampanya ng koponan ni coach Pat Aquino. Ngayong gabi ay haharapin nila ang Korea sa knockout match para sa pwesto sa Final Four.

Isa si Animam sa mga outstanding players sa tournament.

Gamit ang further development mula sa pla­ying stints sa Europe at sa Taiwan, malahalimaw si Animam sa pagtikada ng averages na 13.3 points (No. 7 sa tournament), 11.7 rebounds (league best) at 2.7 assists.

Kasama niyang tumitikada ng double-digit average sina Naomi Na­talie Panganiban (12.0) at Vanessa de Jesus (11.7).

Pero walang dudang kailangan nilang lumaro ng mas matibay ngayong gabi. Giant breakthrough kung matalisod nila ang Korea.

 

 

JACK ANIMAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with