^

PM Sports

Choco Mucho amoy na ang semis

Russell Cadayona - Pang-masa
Choco Mucho amoy na ang semis
Maddie Madayag
STAR / File

MANILA, Philippines —  Inilapit ng Choco Mucho ang sarili sa semifinals berth matapos ang 25-17, 25-15, 25-15 demolisyon sa sibak nang Strong Group Athletics sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pumalo si Royse Tubino ng 17 points mula sa 15 attacks at dalawang blocks habang may 17 markers din si Sisi Rondina para sa ikaapat na dikit na ratsada ng Flying Titans.

May 8-1 record para solohin ang liderato, opis­yal nang makukuha ng tropa ni coach Dante Alinsunurin ang Final Four ticket kung mananalo sa nagdedepensang Creamline sa Abril 18.

“Kailangan pa rin talaga naming trabahuhin talaga every game eh. Kasi importante sa ganitong liga iyong bawat panalo,” wika ni Alinsunurin.

Nag-ambag si Isa Molde ng walong puntos at may tig-lima sina Maddie Madayag at Maika Ortiz.

Pinamunuan ni Dolly Versoza ang Athletics, lag­lag sa 0-9 baraha, sa kanyang 12 points galing sa 11 attacks at isang service ace.

Sa unang laro, tinalo ng sibak nang Galeries Tower ang talsik ding Farm Fresh, 25-18, 25-23, 25-16, para sa kanilang ikatlong panalo.

Tinapos ng Highrisers ang dalawang dikit na kabiguan para itaas ang kanilang record sa 3-6 at inilaglag ang Foxies sa 2-7 kasama ang apat na sunod na kamalasan.

Nagpasabog si France Ronquillo ng career-high 20 points mula sa 16 attacks, tatlong aces at isang block para pamunuan ang Galeries.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with