^

PM Sports

Flying Titans sumabit sa liderato

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kagaya ng PLDT Home Fibr, muli ring sumosyo ang Choco Mucho sa nagdedepensang Cream­line sa liderato ng 2024 PVL All-Filipino Conference.

Giniba ng Flying Titans ang Galeries Tower Highrisers, 25-13, 25-19, 25-17, sa likod nina Sisi Rondina at Chery Nunag kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagposte si Rondina ng 16 points galing sa 13 attacks, dalawang service ace at isang block para sa 6-1 kartada ng Choco Mucho kapareho ng Creamline at PLDT.

“Sobrang thankful ako kasi lahat ng ipinasok kong player nag-deliver. Siyempre, si Deanna (Wong) rin nakuha na iyong rhythm niya sa paglalaro,” sabi ni coach Dante Alinsunurin na nakakuha kay Wong ng pitong excellent sets.

May 12 markers si Nunag mula sa pitong attacks, dalawang blocks at tatlong aces para pigilan ang asam na ikatlong dikit na ratsada ng Galeries na nahulog sa 2-5.

Samantala, hinataw ng PLDT Home Fibr ang ikaapat na dikit na panalo matapos walisin ang Akari, 25-17, 25-20, 25-19.

Umiskor si Majoy Baron ng 13 points mula sa walong attacks, dalawang blocks at tatlong aces para sa 6-1 marka ng High Speed Hitters habang may 11 markers si Fil-Canadian Savi Davison bukod sa team-high 11 receptions.

Laglag ang baraha ng Chargers sa 2-5 na hindi nakuha ang serbisyo ni Ced Domingo dahil sa right knee injury nito.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with