^

PM Sports

Choco Mucho babawi!

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makabawi ang bukod-tanging nasa isip ng Choco Mucho squad matapos lumasap ng unang kabiguan sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Nagtamo ang Flying Ti­tans ng 25-20, 25-12, 23-25, 11-25, 15-13 pag­yuko sa kamay ng PLDT Home Fibr noong Martes sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Dahil dito, bagsak sa 4-1 ang Flying Titans.

Alam ni Choco Mucho head coach Dante Alinsunurin na masaklap ang mga pangyayari lalo pa’t lumaban ang kanilang tropa hanggang sa dulo ng bakbakan.

Ngunit kailangan na agad itong kalimutan upang maisentro ang kanilang atensiyon sa mga susunod na laban.

“Nanghihinayang kami, malungkot pero sabi ko nga after nito kailangan lang talaga nating kalimutan,” ani Alinsunurin.

Magandang learning experience ito para sa Choco Mucho na handang bumangon at muling ma­kabalik sa porma.

“Marami kaming natutunan, marami kaming na-gain dito sa sitwasyon na ito. Kailangan lang natin ulit bumalik and bukas trabaho ulit,” ani Alinsunurin.

Aminado naman si outside hitter Sisi Rondina na inis ito sa mga nangyari sa kanilang tropa sa unang dalawang sets pa lamang ng laro.

“Alam ni coach kung gaano ako kainis first two sets pa lang talaga. Hindi ko alam kung ano rin yung nangyari,” ani Rondina.

Subalit masaya si Rondina dahil hindi bumitiw ang kanilang tropa hanggang sa dulo ng laban.

“Bumawi kami sa dulo which is hindi pa rin namin nakuha. Yung respeto namin talaga sa kanila (PLDT) mataas talaga and grabe rin yung scouting nila,” dagdag ni Rondina na nasayang ang 25 puntos na pinaghirapan.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with