^

PM Sports

EJ inalat sa World Indoor Championships

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pinalad si Paris Olympics-bound Ernest John Obiena na makahirit ng medalya sa World In­door Athletics Championships na ginanap sa Glasgow, Scotland.

Nagkasya lamang sa 9th place si Obiena matapos magrehistro ng 5.65 metro na malayo sa kanyang naitalang personal best sa season na ito.

Sa katunayan ay ki­na­ilangan pa ni Obiena ng da­lawang beses na pagta­tangka bago makuha ang 5.65m.

Sinubukan ni Obiena ang 5.85m ngunit hindi naging matagumpay ang PInoy champion sa kanyang unang dalawang attempts.

Kaya naman lumun­dag agad ito sa 5.90m sa kanyang final jump su­balit bigo pa rin ito para tuluyang maglaho ang kanyang tangkang makakuha ng medalya sa torneo.

Gaya ng inaasahang, matagumpay na nadepen­sahan ni World No. 1 at world record-holder Armand ‘Mondo’ Duplantis ng Sweden ang korona sa naitalang 6.05m para sa ginto.

vuukle comment

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with