^

PM Sports

Marco, ‘di pa rin ligtas sa panghuhusga sa kasalanan ng ama  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Marco, �di pa rin ligtas sa panghuhusga sa kasalanan ng ama             
Marco

Nailabas ng actor na si Marco Gumabao ang isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan, lagi raw sinasabi sa kanya na siya ay anak ng isang kidnapper. Kasi nga nahatulan ng hukuman beyond reasonable doubt ang kanyang amang si Dennis Roldan na kasangkot sa pag-kidnap ng isang batang Tsino. Positibo raw kasi itong kinilala ng batang kanilang kinidnap, kahit na ang sinasabing utak noon na isang babaeng Tsina na diumano ay syota rin ni Roldan noong mga panahong iyon ay hindi pa nahuhuli.

Sinasabing sa loob ng kulungan ay malaki na ang ipinagbago ni Dennis Roldan, ang aktor na dati ring kongresista ay isa nang pastor ng isang grupong Born Again na gumagawa ng ministeryo sa loob ng pambansang bilangguan.

Pero ano nga ba ang kasalanan ni Marco kung ang tatay man niya ay na-involve sa kidnapping.

Kasalanan din ba ni Marco ang kasalanan ni Dennis?

Totoo ang kanilang sinasabi nakulong dahil sa kidnapping ang tatay niya, pero ano ang kasalanan niya?

Head writer ng GMA, kinontra ang MTRCB!

Mukhang napakagiting ng pagtatanggol ng head writer ng GMA sa It’s Showtime ng ABS-CBN, na siguro kung hindi blocktimer ngayon sa kanilang network ay ididiin pa nila. Sinabi ni Suzette Doctolero na mali raw ang ginawang suspension ng MTRCB sa It’s Showtime, at may akusasyon pa siyang bakit hindi nakita ang pagkakamali ng E.A.T. na may nagmura pa diumano. Sa ngayon talagang hindi na nga nila kalaban ang Showtime dahilan sa blocktimer na rin iyon ng kanilang network at ka-collab nila sa teleserye.

At dahil din siguro nasa kanila na ang dalawang noontime shows talagang ang kalaban nila ngayon ay ang top rater na E.A.T., na napapanood sa TV5 at iba pang platforms.

Hiniling pa ni Doctolero na suspindehin na raw ng MTRCB ang kanyang deputy card dahil sa ginawa noong pagsuspinde sa Showtime na sa paniniwala nga niya ay mali.

Showbiz gay, nasaid pati pamasahe sa bakla!

Umuwing walang datung ang isang showbiz gay, sumakay siya sa taxi at pagdating sa bahay at saka niya pinabayaran muna ang sinakyan niyang taxi sa isang kasama niya sa bahay. Ni pamasahe pauwi ng bahay ay walang natira sa kanya at ang dahilan, nakipag-date siya sa isang male star at naibigay niya roon ang lahat ng laman ng kanyang wallet pati na ang pang-taxi niya pauwi.

Hindi ba kabaliwan iyan, ni hindi niya inisip na wala siya maski na pamasahe, papaano kung nasiraan ang taxi at pinababa siya, papaano niya babayaran iyon? Gusto yatang siya naman ang mabatukan at tutukan ng baril sa kalye.

The moral lesson is, kung ibibigay ninyo ang lahat ng inyong datung sa lalaki, mag-iwan naman kayo ng pamasahe ninyo pauwi. Huwag ding ibibigay pati ang pambayad ng renta ng inyong bahay.

vuukle comment

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with