^

PM Sports

Boat Buying at Winner Parade sasalang sa Hopeful Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng magkakamping Boat Buying at Winner Parade na sumilo ng panalo sa sasabakan nilang “Hopeful Stakes Race” na ilalarga sa Mayo 13 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Makakalaban ng Boat Buying at Winner Parade ang siyam na tigasing kalahok sa distansyang 1,600 meter race kung saan ay nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

Sasakyan ni class A rider Kelvin Abobo ang Boat Buying habang si John Alvin Guce ang gagabay sa Winner Parade habang ang ibang kasali ay ang Badboy MJ, Borrowed Heaven, Earli Boating, Grand Monarch, Mano Po, Rough Cut, Sweetie Giselle at Take A Chance.

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa segundo ang P300,000 at P150,000 sa pangatlo habang tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ang fourth hanggang sixth placers ayon sa pagkakahilera.

Ayon sa mga komento ng mga karerista ay posibleng masilayan ng husay ang kalahok na Grand Monarch na gagabayan ni Conrad Henson at Earli Boating na dadalhin ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.

Samantala, papasanin ng Fillies na kabayo ang 52 kgs. habang 54 kgs. ang kakargahin ng Colts, inaasahang naghahanda na ang mga trainers at jockey.

vuukle comment

HOPEFUL STAKES RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with