^

PM Sports

Kouame bumandera sa Gilas vs Jordan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pormal nang nagbalik sa Gilas Pilipinas si naturalized player Ange Kouame upang bandera­han ang final 12-man roster sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Inihayag kahapon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga miyembro ng Final 12 ng Gilas Pilipinas sa pagbibida ng Ateneo big man kasama sina Kai Sotto at Japeth Aguilar para sa triple-tower combo laban sa home team na Jordan.

Nakatakda ang laban kahapon ng alas-12 ng gabi bago ang susunod na duwelo ng Nationals kontra sa Saudi Arabia sa Jeddah sa Linggo.

Napasali ulit sa Gilas ang 6-foot-11 slotman na si Kouame matapos ang recovery mula sa partial ACL at meniscal sprain injury na dahilan ng kanyang pagliban sa mga nakaraang window pati na sa SEA Games at Asia Cup.

Huli siyang naglaro noong February window kasama ang karamihan ay amateur players kontra sa India at New Zealand sa Smart Araneta Coliseum. 

Bukod sa kapwa UAAP player na si Kevin Quiambao ng La Salle ay panay pro cagers mula sa PBA at Japan B. League ang makakasama ni Kouame.

Nasa Final 12 rin sina reigning PBA MVP Scottie Thompson, CJ Perez, Jamie Malonzo, Poy Erram, Calvin Oftana at Roger Pogoy ng PBA pati sina Dwight Ramos at Ray Parks Jr ng B. League.

Si Thirdy Ravena, isa pang B. League stalwart, ang final cut sa Gilas subalit inaasahang lalaro kontra sa Saudi Arabia.

Si head coach at program director Chot Reyes ang magtitimon sa Gilas kasama sina assistant coaches Jong Uichico at Tim Cone.

May 3-3 kartada ang Gilas sa Qualifiers na may huling window pa sa Pebrero 2023 bagama’t pasok na ang Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup bilang main host.

ANGE KOUAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with