^

PM Sports

Black ibinangon ang Bolts

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Black ibinangon ang Bolts
Nakipag-unahan si Aaron Black ng Meralco kay Leonard Santillan ng Rain or Shine sa bola.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kahit wala si head coach Norman Black, wagi pa rin ang Meralco kontra sa na­nganganib na Rain or Shine, 77-73, upang makabalik sa winning column ng 2022 PBA Philippine Cup kaha­pon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nagbuhos ng 20 puntos, apat na rebounds at anim na assists si Aaron Black kabilang na ang pambaong tres sa huling 39 segundo upang trangkuhan ang malaking panalo ng Bolts.

May 19 at 13 markers din sina Allen Maliksi at Cliff  Hodge,  ayon sa pag­ka­kasunod.

Dahil sa panalo ay na­putol ng Meralco ang dalawang sunod nitong kabiguan kabilang na ang masaklap na 90-89 pagkatalo kontra Blackwater upang umangat sa ikalimang puwesto katabla ang Magnolia at NLEX hawak ang pare-parehong 4-3 kartada.,

“First and foremost, our prayers go to coach Norman. He didn’t want to leave. It’s hard for us but we just helped each other. The players and coaching staff chipped in,” ani coach Luigi Trillo sa kanyang unang coaching gig simula 2014 para sa Alaska matapos humalili muna kay Black.

Sa ikalawang laro, nag-halimaw sa 22 puntos, anim na rebounds at pitong supalpal si Japeth Aguilar upang buhatin sa 106-82 panalo ang Barangay Ginebra konta sa kulelat na Terrafirma.

Nag-ambag ng 18, 13 at 12 puntos sina Christian Standhardinger, Arvin Tolentino at LA Tenorio para sa Gin Kings na naakbayan uli ang San Miguel Beer sa tuktok ng standings hawak ang parehong 6-1 kartada.

Hindi naman nagkasya ang 24 puntos ni Juami Tiongson para sa Dyip, na wala pa ring panalo sa 0-7 baraha kahit pa lumamang ng hanggang 71-64 sa kalagitnaan ng ikatlong kanto.

vuukle comment

AARON BLACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with