^

PM Sports

Maangas si Ancajas

Chris Co - Pang-masa
Maangas si Ancajas

MANILA, Philippines — Naitarak ni Jerwin Ancajas ang impresibong sixth-round knockout win laban kay Miguel Gonzalez ng Chile upang matamis na maipagtanggol ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight belt kahapon sa Puebla City, Mexico.

Isang solidong hook shot ang pinakawalan ni Ancajas upang mapabagsak si Gonzalez, may 1:53 pang nalalabi sa ikaanim na kanto para tuluyang masungkit ang panalo.

Ito ang ikawalong sunod na pagdedepensa ni Ancajas sa titulo para umangat sa 31-1-2 rekord tampok ang 21 knockouts.

Inilabas ni Ancajas ang buong ngitngit nito kay Gonzalez matapos maunsyami ang kanyang laban kay Mexican Jonathan Javier Rodriguez noong Nobyembre 2 dahil sa problema sa visa.

Kaya naman lutang na lutang sa laban ang bangis ni Anjacas na tila nakawalang leon mula sa ilang taong pagkakakulong.

Matitinding kumbinasyon ang agad na inilatag ni Ancajas sa umpisa pa lang ng laban.

Ngunit matibay ang Chilean pug na nakalusot sa unang limang rounds.

Subalit nang makakuha si Ancajas ng tiyempo, agad nitong pinulbos si Gonzalez na tinuldukan ng pamatay na hook shot tungo sa tagumpay.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong at sumuporta sa laban kong ito. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat. Gusto kong i-alay ang panalong ito sa lahat ng mga Pilipino na walang sawang sumusuporta sa laban ko,” ani Ancajas.

Hindi naman pinalad si dating world champion Marlon Tapales na umani ng 11th-round knockout loss kay Ryosuke Iwasa ng Japan para sana sa IBF interim junior featherweight title kahapon din sa Brooklyn, New York.

vuukle comment

ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with