^

PM Sports

Gilas Youth final roster inihayag

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tulad ng inaasahan, napili ang twin towers na sina Kai Sotto at AJ Edu na bumandera sa atake ng Gilas Pilipinas youth sa nalalapit nitong kampanya sa 2019 FIBA U19 World Cup sa Heraklion, Greece ngayong Linggo.

Ito ay ayon sa inanunsyo ng koponan na Final 12 kahapon, dalawang araw bago ang simula ng misyon nito sa bigating Pool C kontra sa home team na Greece, Russia at Argentina.

Naatasang sumuporta kina 7’1 Sotto at 6’11 Edu ang iba pang higanteng Nationals na sina 6’7 Geo Chiu ng Ateneo at 6’8 Carl Tamayo ng Nazareth School of National University.

Nasa Final 12 roster din ni head coach Sandy Arespacochaga ang forwards na sina Dave Ildefonso ng NU at Rhayyan Amsali ng San Beda gayundin ang mga gunners na sina Gerry Abadiano ng NU, James Spencer ng NU at Xyrus Torres ng FEU.

Sina NU point guards Terrence Fortea at Migz Oczon gayundin ang Rome-based guard sensation na si Dalph Panopio naman ang mamando sa atake ng Gilas Youth.

Sa kasamaang palad, hindi naman nakasali sa final na line up ng Gilas ang iba pang miyembro ng 14-man training pool na sina Joshua Lazaro ng Letran at Bismarck Lina ng UST.

Kagagaling lang ng Gilas youth sa magilas na training camp sa Doha, Qatar kung saan nagbaon sila ng impresibong tune-up wins kontra sa Al Rayyan club, 79-54 at 93-64.

Ranggong ika-30 sa buong mundo, mapapasabak ang Gilas Youth sa no. 15 na Greece sa darating na Linggo bago masubukan kontra sa no. 19 na Russia sa Lunes at no. 13 na Argentina.

vuukle comment

GILAS YOUTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with