^

PM Sports

Petron, F2 Logistics kakapit sa liderato

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapatatag ang kapit sa liderato ang parehong hangad ng Petron at F2 Logistics sa pagharap sa magkaibang karibal ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 Phi-lippine Superliga Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Susubukan ng Blaze Spikers ang tikas ng Sta. Lucia Realty sa alas-2 habang titipanin ng Cargo Movers ang Foton sa alas-4:15. Maghaharap din ang Cignal at United Volley Club sa alas-7 ng gabi.

Magkasalo ang Petron at F2 Logistics sa unahan ng standings hawak ang parehong 3-0 marka.

Hindi maawat ang Blaze Spikers na binabanderahan nina American super imports Stephanie Niemer at Katherine Bell na nakakuha pa ng solidong suporta mula sa local players gaya nina Mika Reyes, Remy Palma, Aiza Pontillas at Rhea Dimaculangan.

Kaya naman malaking pagsubok para sa Lady Realtors kung paano pipi-gilan sina Niemer at Bell.

Doble kayod ang gagawin nina Casey Schoenlein at Molly Lohman kasama sina Pam Lastimosa, Rachel Austero, Amanda Villanueva at Jhoana Maraguinot.

Hindi naman nagpa-kabog ang F2 Logistics na nakasakay din sa three-game winning streak.

Ramdam na ramdam agad ang presensiya ni da-ting Most Valuable Player at three-time Grand Prix champion Lindsay Stalzer na nasilayan sa unang pagkakataon suot ang yellow jersey ng Cargo Movers noong Martes.

Hinatak nito ang F2 Logistics sa 23-25, 25-23, 25-21, 25-22 panalo laban sa United VC kung saan nagtala ito ng 25 attacks at limang blocks.

“We need a leader on the court, especially the imports. We look up to them because the Grand Prix is a battle of imports,” sambit ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus na nakakuha rin ng 16 karagdagang puntos mula kay Becky Perry.

Hahataw para sa Tornadoes sina Courtney Felinski at Selime Ilyasoglu na maganda rin ang inila-laro.

vuukle comment

PHI-LIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with