^

PM Sports

Hornacek sinibak ng Suns bilang head coach

Pang-masa

PHOENIX - Sinimulan ng Suns ang 2015-16 NBA season at umaasang makakapasok sa playoffs sa unang pagkakataon matapos noong 2010.

Ngunit naipatalo nila ang 19 sa huling 21 laro dahil sa pagkakaroon ng in­jury ng mga key pla­yers.

Dahil dito ay sinibak ng Suns si coach Jeff Hor­nacek sa kanyang posisyon.

“The Phoenix Suns have relieved Jeff Hornacek of his duties as head coach following his two-plus seasons in the position,” wika ng Phoenix sa isang statement.

Sa pamamahala ni Hor­­nacek simula noong Ma­yo ng 2013, nagtala ang Suns ng 101-112 win-loss record, kasama dito ang 14-35 mark ngayong season na naglaglag sa ka­­nila sa standings.

Sa unang taon ni Hornacek noong 2013-14 ay naglista ang Suns ng 48-34 kasunod ang 39-43 sa nakaraang season.

Ang 52-anyos na si Hor­nacek ay naglaro ng anim na taon sa Phoenix sa kanyang career bilang isang shooting guard.

Si Hornacek ay papa­litan sa bench ng kanyang assistant na si Earl Watson bilang interim coach.

Ang 36-anyos na si Watson ay isang dating pla­yer na may 13-year ca­reer sa NBA.

Nagretiro si Watson no­ong 2014 at nasa kanyang unang season sa Suns coaching staff.

Gagawin ni Watson ang kanyang debut sa pag­harap ng Suns sa Toronto Raptors.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

EARL WATSON

JEFF HOR

JEFF HORNACEK

PHOENIX SUNS

SHY

SI HORNACEK

SUNS

TORONTO RAPTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with